Just another Blogetery.com weblog
Dec
21
By: icdrico | Discussion (0)

Ang pasko ay isang espesyal na pagdiriwang upang magkaroon ang bawat isa sa atin ng sapat na panahon para sa ating mga mahal sa buhay. Di lang yon, panahon din ito ng pagkakaroon ng maraming kagastusan at panahon din ito ng sari-saring handaan. At dahil dito, pinaghahandaan talaga ito ng mga kababayan nating Pinoy.

kung ating mapapansin, nagtaas na naman ang predyo ng iba’t-ibang produktong may kinalaman sa kapaskuhan. Nabalita nga lang kamakailan na nagtaas na muli ang presyo ng mga pangunahing bilihin isama mo pa ang ham na syang kalimitang nakikita sa mesa ng mga kababayan nating pinoy. At di lang ang ham ang tumaas, tumaas din ang presyo ng lechong baboy at lechong baka <sabagay di naman kami naghahanda nyan tuwing pasko…nakakabata kasi yan hehehe…. (”,)>

Bilang pagtatapos, di naman natin kailangan ng bonggang handaan para sa darating na pasko. Kami nga nanggagaling lang ang hamon namin sa boss ni mama eh. Kasi di naman namin kayang makabili nun diba???? Kaya nga ako nagsusulat dito para kumita ako ng pera. Para sa akin mas mahalga na magkakasama ang buong pamilya kahit di bongga ang handa sa pasko diba????



Dec
18
By: icdrico | Discussion (0)

     Naranasan nyo na bang madaya???? Ano ang pakiramdam???? Syempre nakakagalit hindi ba???? At masakit isipin na nadaya ka..May kaugnayan dito ang aking ibubunyag nagyon.

    Naaalala pa ba ninyo ang kinasangkutan ni willie revillame tungkol sa di umano’y pandaraya nya sa isang contestant..Mariin nyang itinanggi ang kontrobersiyang ito at sinabi pa nya na wala siyang alam sa mga pangyayari.

  Ngunit ano itong napag-alamanan ko sa isang reliable source na ang nasabing issue laban sa kanya ay di umano pinagplanuhan at pinag-praktisan ng maigi upang maisagawa ito ng walang mintis o sablay.

 kung gusto nyong malaman ang sinasabi kong reliable source, pumunta na lang kayo sa www.youtube.com at hanapin nyo na lang ang kita mo????  iyan ang title ng revelation video ng willionaryo scam.

<object width=”425″ height=”355″><param name=”movie” value=”http://www.youtube.com/v/lBzyn5lkQx8&rel=1″></param><param name=”wmode” value=”transparent”></param><embed src=”http://www.youtube.com/v/lBzyn5lkQx8&rel=1” type=”application/x-shockwave-flash” wmode=”transparent” width=”425″ height=”355″></embed></object>



Dec
17
By: icdrico | Discussion (0)

    Madaming nagsasabi na umuunlad na daw ang ating gobyerno sa ngayon.. Ngunit kung ating susuriing mabuti, di talaga tayo umuunlad. May mga bagay na magpapatunay ng aking mga sinasabi dito. Kung umuunlad na nga tayo bakit madami pa rin ang mga walang trabaho, di lang yon…patuloy pa rin ang pagtaas ng mga pangunahing bilihin dito sa atin. Kung datisa halagang isang daan, madami ka ng mabibili sa ngayon kulang na kulang ang nasabing halaga para matugunan ang pangangailangan ng isang pamilya sa isang araw. Lalo na nung isinabatas ang pagdadagdag ng Extended Value Added Tax (EVAT)…Sinasabi na makalabuti daw ito para sa atin kaya ito pinatupad..Ngunit asan ang nasabing pag-unlad??? Kung ako ang tatanungin nyo tungkol sa bagay na yan, sa totoo lang ang mga negosyante at mayayaman lang ang nakikinabang sa bagay na yan. Bkit ko nasabi un???? Eh kasi kung maganda nga ang epekto ng EVAT e bkit hanggang ngayon eh d pa rin nararamdaman ng mga ordinaryong mamamayan ang pag-unlad ng bansa???? Imbis na nararamdaman ang pag-unlad e lalo lang nating nararamdaman ang masamang epekto nito sa atin.

At di lang sa aspetong ito tayo dapat mag focus. Natatandaan nyo ba ang usaping kinasasangkutan ni PGMA???? (Pasintabi po sa mga PRO-GMA). Kung maalala nyo, nasasangkot sya ngayon sa usapin ng ZTE broadband na kung hindi ako nagkakamali eh pag-aari ng mga tsino na negosyante sa ating bansa. Idagdag mu pa ang d matigil na human rights violation tulad ng political killings, pag-abuso sa karapatan ng mga media men, at marami pang iba..

Uhm…wala na akong maisip eh itututloy ko na lang sa susunod. Sa bagay beginner pa lang naman ako..